Inamin ni Batangas Rep. Eileen Ermita-Buhain na wala pa silang sinusuportahang kandidato sa pagka-gobernador ng Batangas kaya umaasa silang itutuloy ni Vilma ang kanyang kandidatura.
"As of now, pinag-uusapan pa rin namin kung sino ’yung kandidato. Nililigawan pa rin namin si Mayor Vi, hopefully magbago pa siya ng isip," pahayag ni Buhain.
Wala pa rin naman aniyang katiyakan kung tatakbong congresswoman ng fourth district ng Batangas si Ate Vi o itutuloy nito ang pagtakbo bilang gobernador.
"Basta ang sigurado ka-party namin si Mayor Vi and we are going to support her kung saan man niya gustong tumakbo," dagdag pa ni Ermita-Buhain.
Naniniwala naman si Sen. Ralph Recto na tanging ang kanyang asawang si Mayor Vilma ang makakatalo kay Batangas Governor Arman Sanchez kaya isinusulong niya ang kandidatura nito bilang gobernador ng Batangas.
Sinabi naman ni Buhain na hindi nila susuportahan si Ricky Recto dahil umanib na ito sa oposisyon. (Malou Escudero)