^

Probinsiya

Ate Vi handa na sa pagka-gobernador

-
BATANGAS — May posibilidad na patulan ni Lipa Mayor Vilma Santos-Recto ang panliligaw ng Lakas-CMD sa pagtakbo bilang governador ng Batangas kahit na makalaban pa niya ang bayaw na si Vice Governor Ricky Recto.

Inamin ni Batangas Rep. Eileen Ermita-Buhain na wala pa silang sinusuportahang kandidato sa pagka-gobernador ng Batangas kaya umaasa silang itutuloy ni Vilma ang kanyang kandidatura.

"As of now, pinag-uusapan pa rin namin kung sino ’yung kandidato. Nililigawan pa rin namin si Mayor Vi, hopefully magbago pa siya ng isip," pahayag ni Buhain.

Wala pa rin naman aniyang katiyakan kung tatakbong congresswoman ng fourth district ng Batangas si Ate Vi o itutuloy nito ang pagtakbo bilang gobernador.

"Basta ang sigurado ka-party namin si Mayor Vi and we are going to support her kung saan man niya gustong tumakbo," dagdag pa ni Ermita-Buhain.

Naniniwala naman si Sen. Ralph Recto na tanging ang kanyang asawang si Mayor Vilma ang makakatalo kay Batangas Governor Arman Sanchez kaya isinusulong niya ang kandidatura nito bilang gobernador ng Batangas.

Sinabi naman ni Buhain na hindi nila susuportahan si Ricky Recto dahil umanib na ito sa oposisyon. (Malou Escudero)

vuukle comment

ATE VI

BATANGAS

BATANGAS GOVERNOR ARMAN SANCHEZ

BATANGAS REP

BUHAIN

EILEEN ERMITA-BUHAIN

MAYOR VI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with