3 mag-uutol na pumatay sa pulis nasakote
March 4, 2007 | 12:00am
ANTIPOLO CITY  Nagwakas ang may limang buwan na pagtatago ng 3 mag-uutol na pangunahing suspect sa pagpatay sa isang pulis sa isinagawang operasyon sa Barangay Mambugan, Antipolo City, Rizal kahapon ng madaling-araw.
Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspect na sina Armando Buenaventura, 40; Arjay, 36; at si Rommel, 26, pawang naninirahan sa Virginia Summerville ng nabanggit na barangay.
Ayon kay P/Senior Supt. Freddie Panen, Rizal provincial police director, ang tatlo ay responsable sa pamamaril at pagpatay kay PO1 Villarosa ng Regional Special Operations Group (RSOG) noong Oktubre 2006 matapos holdapin ng magkakapatid.
Nasakote ang mga suspek dakong alas-4 ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya na bumalik sa pinagtataguan ang mag-uutol.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Dionisio Sison ng Antipolo City Regional Trial Court (RTC) Fourth Ju dicial Region Branch 73 ay agad na tumulak ang mga kagawad ng pulisya sa bahay ng mga suspek na hindi na rin nakapalag matapos na arestuhin. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest