Alkalde ng Bacoor, 4 pa kinasuhan
March 3, 2007 | 12:00am
CAVITE  Sinampahan na ng kasong sedisyon at kriminal ng Cavite provincial police office sina Bacoor Mayor Jessie Castillo, P/Inspector Alex Borja at tatlo pang local na opisyal matapos ipasara ang himpilan ng pulisya noong nakaraang buwan.
Ayon kay P/Senior Supt. Fidel Posadas, provincial police director, nag-ugat ang kaso matapos pakawalan ni Inspector Alex Borja, police chief ng Bacoor PNP, at lima pang pulis ang tatlong tulak ng droga matapos maaresto dalawang buwan na nakakaraan.
Kabilang din sa mga nakasuhan bukod kina Mayor Castillo ay sina Municipal Legal Officer Robert San Jose, Municipal Administrator Roel Zolete at Marshall Manny Loyola.
Ang apat ay nahaharap sa mga kasong sedition, grave coercion, violation of the Anti-Graft and Corrupt Practices Law, violation of the Code of Conduct and Ethical Standards, misconduct in office and abuse of authority.
Matatandaang nagpalabas ng memorandum order na may petsang Feb. 7 na nag-uutos na ikandado ang istasyon ng pulis at ang apat na police community precincts matapos kumpiskahin ang kanilang siyam na patrol car at mga radyo.
Si Borja at ang kanyang mga tauhan na sina SPO1 Richard Ibao, PO2 Rommel Garcia, PO2 Feliciano Evangelio, PO1 Gilbert Camaclang, at PO1 Glenn Camarce ay mahaharap din sa kasong obstruction of justice. (Cristina Timbang at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest