^

Probinsiya

Pagdagsa ng iskwater sa Bacoor pinasisiyasat ni Gov. Maliksi

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Ipinag-utos ni Cavite Gov. Ayong Maliksi sa provincial legal office na magsagawa ng malawakang pagsisiyasat sa reklamo ng mga homeowners association ng Bacoor sa pagdagsa ng mga squatter sa nabanggit na lugar.

Nag-ugat ang kautusan ni Maliksi matapos magsumite ng pormal na reklamo si Amy Bahian, pangulo ng Samahan Ng Mga Magsasaka and Settlers Association, Inc. sa Malipay 3, Molino 4, Bacoor, Cavite dahil sa pagpasok ng mga iskwater mula sa Barangay San Dionisio sa Parañaque City.

Noong February 12, truck-truck na mga squatter na may escort na mga pulis ang dumagsa sa nasambing lugar para ukopahan ang bakanteng lote matapos magprisinta ng certificate of award na nilagdaan ni Bacoor Mayor Jessie Castillo.

Kasunod nito, nagpasyang lumapit ang grupo ni Bahian kay Governor Maliksi upang mapahinto ang illegal na pagpasok ng mga iskwater.

Giit naman ni Mayor Castillo na wala siyang nilalabag na batas dahil tinutulungan lang anya ang may-ari ng lupa sa kanilang proyekto.

Ang TBS Holdings , Inc ang sinasabing may-ari ng lupa ay may proyektong pagbebenta ng lupa sa ilalim ng Community Mortgage Program (CMP) ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) at Socialized Housing and Finance Corporation (SHFC).

Subalit sa pagsisiyasat ni Atty. Leilani Dacanay-Grimares, provincial legal counsel, nadiskubre na walang inaprubahan ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) kaugnay sa nasabing proyekto.

Posibleng mapatawan ng kaukulang parusa si Mayor Castillo. (Arnell Ozaeta)

AMY BAHIAN

ARNELL OZAETA

AYONG MALIKSI

BACOOR

BACOOR MAYOR JESSIE CASTILLO

BARANGAY SAN DIONISIO

CAVITE

MAYOR CASTILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with