Suspek sa CIDG officer’s slay sumuko
February 27, 2007 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City  Sumuko na kahapon sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang opisyal ng PNP-CIDG officer sa Pili, Camarines Sur. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Melba Pagao, 27, ng Villa Corazon Subd., Concepcion Grande, Naga City. Ayon sa ulat, si Pagao ay kasama ng biktimang si P/Supt. Vicente Mendenilla Jr. na nagtungo sa pag-aaring beach resort sa Barangay Binanuaan, Pili, Camarines Sur.
Ilan sa mga tauhan ni Mendenilla sa resort ang nakarinig ng ilang putok bago natagpuan ang biktimang duguan noong Sabado ng madaling-araw. May teorya ang pulisya na may matinding pag-aaway ang dalawa at posibleng nag-agawan sa baril hanggang sa mapatay si Mendenilla. Base sa record ng pulisya, si Mendenilla na hepe ng Asst. Directorate for Police Community Relation sa Camp Crame ay dumating sa bayan ng Pili noong Biyernes (Peb 23) mula sa Maynila bago tumuloy sa nasabing beach resort kasama na ang suspek. (Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest