^

Probinsiya

PNP blangko sa pamamaslang sa opisyal ng PNP-CIDG

-
CAMP CRAME — Blangko pa rin ang pamunuan ng pulisya sa kaso ng pagpatay sa isang mataas na opisyal ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) habang pinaghahanap naman ang isang babaeng maaaring makapagbigay ng impormasyon ng nasabing krimen.

Sa ulat na ipinadala ni Camarines Sur Provincial Director Senior Supt. Romeo Mapalo, patuloy na sinisilip ang motibong may kaugna yan sa trabaho o sa negosyo ang pagpatay kay P/Supt. Vicente Mendenilla, hepe ng Directorate for Community Relation na nakabase sa Camp Crame, Quezon City.

Nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa resort na pag-aari ng biktima sa Brgy. Binanuaan sa bayan ng Pili, Camarines Sur kamakalawa.

Bagama’t nagawa pang maisugod sa Mother Siton Hospital sa Naga City ang biktimang may dalawang tama ng bala ng baril sa katawan ay idineklarang patay.

Inaalam pa rin kung sariling baril ang ginamit ng suspek sa pamamaril sa biktima.

Samantalang nanawagan rin ang pulisya sa iba pang mga posibleng nakakita sa krimen na makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mapabilis ang paglutas sa kasong ito. (Joy Cantos)

CAMARINES SUR

CAMARINES SUR PROVINCIAL DIRECTOR SENIOR SUPT

CAMP CRAME

COMMUNITY RELATION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JOY CANTOS

MOTHER SITON HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with