Shootout: Lider ng holdap gang dedo
February 23, 2007 | 12:00am
LUCENA CITY  Patay agad ang itinuturing na lider ng notoryus na grupo ng mga holdaper matapos na makipagbarilan sa mga aarestong operatiba ng Intelligence Unit at Special Weapons and Tactics (SWAT), kamakalawa ng hapon sa Purok Langka 2, Barangay Mayao Crossing, Lucena City.
Natadtad ng tama ng bala ang katawan ni Jessie Morales, 22, lider ng "Morales" group na responsable sa mga nakawan at pagpatay sa nasabing lungsod at residente ng Purok Bagong Pag-asa, Barangay Ibabang Dupay.
Si Morales ay nasa unahang most wanted person dahil sa mga kasong double murder, robbery hold-up, robbery w/ homicide, theft, carnapping at robbery.
Ayon kay P/Supt. Nelson Lequin, acting police chief sa nasabing lungsod, ganap na alas-3:05 ng hapon ay na katangap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa presensya ng suspek sa naturang lugar.
Kaagad naman bumuo ng pangkat ang pulisya at armado ng warrant of arrest ay tinungo ng Intelligence Operatives sa pangunguna ni SPO3 Joe Foster at SWAT sa pamumuno naman ni SPO4 Eduardo Basanes ang pinagkukutaan ni Morales at doon ay naabutan nila itong nakatayo at may hawak na baril.
Papalapit pa lamang ang pangkat nina Foster at Basanes para magpakilala ay kaagad silang pinaputukan ni Morales kung kaya’t napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad hanggang sa mapatay ang suspek.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest