^

Probinsiya

Kapatas dinedo ng 2 tauhan

-
LOPEZ, Quezon — Tinapos ng dalawang obrero ang matagal na nilang alitan laban sa kanilang foreman matapos na patraydor nilang saksakin at mapatay kamakalawa ng gabi sa harapan ng Barangay Hall sa Barangay Hondagua, Lopez, Quezon. Nagtamo ng malalim na saksak sa tiyan at hindi na umabot ng buhay sa Magsaysay Memorial Hospital ang biktimang si Jesus Dator y Dayrit, alyas "Bobie,"43, kapatas sa Philippine Flour Mills. Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Mario Olegario at Timoteo Samson.

Ayon kay SPO4 Paterno Montero, may-hawak ng kaso, ipinarada ng biktima ang kanyang motorsiklo sa harapan ng Barangay Hall nang lapitan ni Olegario na nakangiti pang sinaksak ng gulok sa tiyan si Dator habang nagsilbing look-out naman ang kasama nitong si Samson. Binanggit sa ulat na isang buwan bago ang insidente ay nagkaroon nang pagtatalo ang mga suspek laban sa biktima tungkol sa kanilang trabaho na pinaniniwalaang nagtanim ng galit ang dalawa. (Tony Sandoval)

vuukle comment

BARANGAY HALL

BARANGAY HONDAGUA

JESUS DATOR

MAGSAYSAY MEMORIAL HOSPITAL

MARIO OLEGARIO

PATERNO MONTERO

PHILIPPINE FLOUR MILLS

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with