Pamilya inararo ng trak: 4 patay
February 21, 2007 | 12:00am
RIZAL – Maagang sinalubong ni kamatayan ang mag-asawa at dalawa nitong anak makaraang araruhin ng dump trcuk ang kanilang barung-barong sa Sitio Pintor, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal kahapon ng madaling-araw.
Kabilang sa mga biktimang nasawi ay ang mag-asawang Nilo Madrid, 32; at Elizabeth 35; dalawang anak na sina Erica, 6 at Laisa, 4 na pawang residente ng nabanggit na barangay.
Sumuko naman sa pulisya ang drayber ng truck na si Hermogenes Gendevi, 39, ng #1 Paseta st., Meralco Village, Taytay, Rizal.
Base sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Freddie Panen, naitala ang insidente dakong alas-3 ng madaling-araw may ilang Metro lamang ang layo sa Montalban Landfill.
Nabatid na minamaneho ni Gendevi ang Isuzu 10-wheeler dump truck (UUP-689) na may lulang basura patungong Montalban Landfill at dahil sa may kakiputan ang daan ay kinulang sa pagkabig ang truck kung saan ipinasyang iatras.
Habang iniaatras ang truck ay nawalan ng kontrol hanggang sa bumulusok ito pababa sa bangin at sumalpok sa bahay ng mga biktima na nuon din ay mahimbing na natutulog.
Agad na namatay ang tatlong biktima habang nagawa pang maisugod sa Rodriguez Infantry Hospital, ang bunsong anak ng nasawi na si Laisa, subalit dahil sa pagkaipit ng katawan nito ay hindi na umabot pa ng buhay.
“Ginagawa kasi yung kalsada, pag-atras ng truck bumagsak na ang sasakyan sa mga bahay,†pahayag ni Roel Escarilla, hepe ng tanod sa Barangay San Isidro. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest