Camarines Norte Hinatulan ng korte ng 40-80 taon na pagkabilanggo ang isang ama ng tahanan na nanggahasa at nang-anak ng apat na beses sa kanyang sariling anak sa bayan ng Mercedes, nabanggit na probinsiya. Batay sa 12-pahinang ipinataw na desisyon ni Judge Leo L. Intia ng Regional Trial Court Branch 38, ang akusadong si Angeles San Pascual, 58, residente ng Gaboc, Mercedes ay napatunayang nagkasala sa kasong panggagahasa sa sarili nitong panganay na anak na babae sa loob ng 12 taon. Batay sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang "Merced", 19-anyos lamang siya nang umpisa siyang gahasain ng kanyang ama hanggang sa mag-31 anyos siya. Nagbunga ang kahayupan ng kanyang ama ng apat na supling na klinabibilangan ng isang lalaki at tatlong babae
. (Francis Elevado) Rodriguez, Rizal  Kalaboso ang isang pari sa kasong bigamy o pakikiapid makaraang madakip ito matapos ang may isang taon na pagtatago, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Manggahan. Kinilala ni P/Sdr. Supt. Freddie Panen, Rizal Provincial Police Dir. ang suspect na si Fr. Fernando Garcia, panÄsa_mana-talang naninirahan sa Blk 4, Lot 5, Carlton Subd., Brgy. Manggahan at pari ng Sta. Cruz, Laguna. Inaresto ang nasabing pari dakong alas-7 ng gabi sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jaime Blancaflor ng Regional Trial Court 4th Judicial Region, Branch 126 ng Sta. Cruz, Laguna. Ang suspect ay inireklamo at sinampahan ng kaso ng isang mister dahil ginawa umanong "kabit" ang kanyang misis ng una
. (Edwin Balasa) Eroplano sumubsob sa damuhan |
Isang domestic aircraft ng Philippine Airlines na may sakay na 119 pasahero at crew members ang sumubsob sa damuhan matapos itong mag-overshoot sa runway 36 sa Tacloban Airport. Sinabi ni Engineer Bing Lina, OIC for operations ng MIAA na si Capt. Rey Canlas, Piloto ng Airbus-320 flight PR-191 ay nakaligtas sa tiyak na kapahamakan matapos dumausdos patungo sa damuhan ang eroplano. Umalis umano ang eroplano mPula Manila domestic Airport para pumunta sa Tacloban City kahapon ng umaga. Samantala, nagpadala na ng inivestigating team ang Air Transportation Office (ATO) para imbestigahan ang nasabing insidente.
(Butch Quejada)