Sa ulat ng PCG, dakong alas-4:30 ng umaga nang makumpiska mula sa posisyon ng mga suspect ang 22 kilo ng Ketamine at 2,109 piraso ng Ecstasy pills habang lulan ang mga huli sa isang bangkang-de-motor na may pangalang Sherjun sa nabanggit na lugar.
Nabatid na nagkaroon muna ng 30-minutong habulan bago tuluyang na-korner ng PCG ang mga suspect sa kinasasakupan ng China Sea.
Napag-alaman sa PCG na may isang buwan na nagsagawa ng pagpapatrulya ang kanilang intelligence operatives sa karagatan ng Lian, Batangas dahil sa ulat na talamak na operasyon ng gunrunning, human at drug trafficking sa nabanggit na lugar na ipinupuslit gamit ang mga bangkang-de-motor na karamiha_n ay nagpapanggap na mga mangingisda.
Sinasabing kilala bilang mga pangunahing operators ng gunrunning human at drug trafficking si Ching Sun na nagmula sa mainland China.
Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodya pa ng PCG ang mga nakumpiskang droga at mga naarestong suspect na nakatakda namang ilipat sa kustodya ng Philippine Drug Enforcement Agency, habang isinagawa naman ang follow-up operation laban sa mga pinaghihinalaang mga kasapi pa ng sindikato.