Loan consultant pinatay
February 14, 2007 | 12:00am
CAVITE  Tadtad ng saksak at naliligo sa sariling dugo nang matagpuan ang isang loan consultant sa bakanteng lote ng isang subdibisyon sa Bacoor, Cavite kahapon ng umaga.
Ayon kay Chief Insp. Alex Borja, hepe rito, positibong kinilala ng kanyang kapatid ang biktima na si Bobeth Paragamac, 28, loan consultant ng Asia Link sa Imus, Cavite at residente ng #4 De Castro Compound Perpetual Village 8, Brgy. Habay 1 ng bayang nabanggit.
Sa ulat ni PO2 Dominador Termil, dakong alas-8:00 ng umaga nang makita ng isang Eduardo Santos, 26, ang biktima na tadtad ng saksak sa leeg, dibdib, kanang tagiliran at may mga sugat pa ito sa ulo.
Narekober sa bulsa ng biktima ang iba’t ibang ID’s tulad ng SSS ID, Philhealth Card, 2 pocket diary na pawang nakapangalan sa biktima.
Nakakalat din sa lugar ang iba’t ibang application forms ng Digitel Company, Family Picture, Elementary Pads, Brown Clats bag na puno ng dugo na hinihinalang inagaw sa biktima at naglalaman ng pera, xerox copy ng postal ID na nakapangalan sa isang Nida Arellano at Meralco Bill sa pangalan naman ng isang Bernardo Arellano ng 141 C Capt. R Villareal St. Sapsap A Caridad, Cavite City.
Posibleng pagnanakaw ang tinitingnang motibo sa pamamaslang. (Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am