Konsehal, anak tinodas ng NPA
February 14, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME  Isang konsehal ng barangay at isa nitong anak na dalagita ang napatay nang pagbabarilin ng mga hinihinalang rebeldeng komunista kamakalawa sa Eastern Samar.
Agad na nasawi sa mga tama ng bala ang mag-amang Rufino Silla, konsehal ng Brgy. Antipolo sa Llorente, Eastern Samar at anak na si Ruffa, 16.
Sa report na tinanggap ng Police Regional Office 8 na bandang alas-10:15 ng umaga nang lusubin at palibutan ng mga umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) ang bahay ng mga Silla sa naturang lugar habang sumisigaw ang mga suspek ng "Mabuhay ang NPA, Mabuhay ang Partido Komunista ng Pilipinas!"
Kasunod nito, pinagbabaril ng mga rebelde ang bahay ng barangay official na ikinasawi nito at ng anak nitong babae na nasa loob din ng bahay nang mga oras na iyon.
Mabilis na tumakas ang mga rebelde pagkatapos ng pamamaslang.
Pinaniniwalaan namang paghihiganti ang motibo ng mga rebelde dahil aktibo sa pangangampanya laban sa mga rebeldeng komunista ang matandang Silla. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest