^

Probinsiya

Mag-asawang Muslim trader kinidnap

-
CAMP CRAME — Dinukot ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom (KFR) gang ang isang mag-asawang negosyanteng Muslim matapos harangin ang kanilang behikulo sa kahabaan ng Narciso Ramos national highway sa Brgy. Poblacion, Saguiran, Lanao del Sur kamakalawa.

Kinilala ang mga bitkima na sina Ibrahim Sangcopan, 37 at Norhanisa Sangcopan, 34, pawang residente ng Baloi, Lanao del Sur.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) ng ARMM, dakong alas-12:30 ng tanghali nitong Sabado habang bumabagtas sa nasabing lugar ang kulay pulang CRV (AED -473) na sinasakyan ng mag-asawa patungong Marawi City nang harangin ng mga armadong kidnaper. Agad na tinutukan ng baril ang mag-asawa kung saan ang behikulo mismo ng mga ito ang ginamit sa pagtangay sa mga biktima patungo sa Brgy. Mapantao, Saguiran ng nasabing lalawigan. Agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng 1501st Police Mobile Group para iligtas ang mag-asawa pero nabigo na ang mga itong abutan ang kanilang get-away vehicle.

Narekober ang inabandonang sasakyan ng mag-asawa sa Brgy. Cabasaran. Nagsasagawa na ng search and rescue operations upang mabawi ang mag-asawa. (Joy Cantos)

BRGY

IBRAHIM SANGCOPAN

JOY CANTOS

LANAO

MARAWI CITY

NARCISO RAMOS

NORHANISA SANGCOPAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with