^

Probinsiya

Sanggol nilunod sa drum

-
ANTIPOLO CITY — Masusing iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang pagkamatay ng isang 11-buwang gulang na sanggol na lalaki na natagpuan sa loob ng drum na may tubig kamakalawa ng gabi sa Barangay San Isidro, Antipolo City.

Ayon kay P/Supt. Danilo Macerin, hepe ng Antipolo police, na kasalukuyang pinipigil sa himpilan ng pulisya ang mga suspek na sina Regino Alvarez, 34; at Marietta Legarde, 39, pawang residente ng Sitio Tanglaw ng nasabing barangay.

Lumalabas sa ulat ng pulisya na natagpuan ni Alvarez ang sanggol sa loob ng drum na may tubig kaya agad niyang ipinagbigay-alam sa mga kasama sa bahay.

Agad namang nagsagawa ng post-mortem examination ang pulisya at lumalabas na kakamatay lang ng sanggol ilang minuto pa lang ang nakalipas.

Bukod kina Alvarez Legarde ay inimbitahan din sa himpilan ng pulisya ang 16-anyos na ina ng sanggol. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALVAREZ

ALVAREZ LEGARDE

ANTIPOLO CITY

BARANGAY SAN ISIDRO

DANILO MACERIN

EDWIN BALASA

MARIETTA LEGARDE

REGINO ALVAREZ

SITIO TANGLAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with