Ministro ng INC, misis at anak minasaker sa Cavite
February 9, 2007 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna  Isang pamilya, kabilang na ang mister na ministro ng Iglesia ni Cristo, ang iniulat na pinaslang ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang mga biktima ay natutulog sa kanilang tahanan sa Barangay San Juan, Ternate, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ng Cavite PNP, ang mga biktimang sina Darius Api, 34, destinadong ministro ng INC sa nasabing lugar; asawang si Terry, 34 at anak na si Kurt Russel, 6. Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, natagpuan na lang ang mga bangkay ng mga biktima sa loob ng kanilang tahanan na tadtad ng tama ng baril bandang ala-una ng hapon.
Napag-alamang tinakpan pa ng unan ang mga biktima bago binistay ng malalakas na kalibre ng baril. Posibleng madaling-araw isinagawa ang krimen habang natutulog dahil matigas na ang mga biktima.
Hindi pa makapagbigay ng pahayag ang mga pulis kung ano ang posibleng motibo sa pamaØmaslang habang patuloy pa rin sa paghahanap ng ebidensiya para matukoy ang mga salarin.
Kasalukuyang sumasailalim sa post-mortem examination ang mga bangkay upang madetermina kung pinahirapan muna bago paslangin.
Nag-utos na si P/Chief Supt. Nicasio Radovan, Region 4 police director ng masusing imbestigasyon para sa ikadarakip ng mga suspek na pinaniniwalaang mga dayo sa nasabing lugar. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest