Ambush: Customs official dedo

CAMP AGUINALDO — Tinambangan at napatay ang isang 27-anyos na Customs operation officer ng mga armadong kalalakihan sa isa na namang karahasang naganap sa bahagi ng Lapu-Lapu City, Cebu noong Martes ng gabi. Apat na bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Jason Alcantara, na nakatalaga sa Mactan Cebu International Airport. Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen bandang alas-9 ng gabi matapos na dikitan ng mga killer na sakay ng motorsiklo ang sasakyan ng biktima. Pagsapit sa harapan ng Better Living Subdivision ay agad na pinagbabaril ang biktima at idineklarang patay sa Mactan Doctors Hospital. Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang motibo ng krimen habang naglunsad na ng malawakang manhunt operations laban sa mga killer. (Joy Cantos)
6 nakaligtas sa plane crash
CAMP AGUINALDO — Anim-katao ang iniulat na himalang nakaligtas matapos na bumagsak ang isang six-seater plane sa baybayin ng Marigondon Beach sa Mactan, Cebu kahapon ng umaga. Sa ulat ni Maj. Augusto dela Peña, Spokesman ng Philippine Air Force, ang Islander na may tail number PRC 1047 ay patungo sana sa Mactan International Airport, subalit hindi na nakarating nang bumulusok ito sa nabanggit na baybayin. Isang kawani ng Pacific Cebu Resort na nakilalang si Jonathan Bistel, ang nag-report sa kinauukulan kaya agad na nailigtas ang anim kabilang na ang pilotong si Capt. Procorpio Dahan. Nabatid na ang naturang eroplano ay mula sa Batuan, Davao at patungo sana sa naturang paliparan para mag-refuel. (Joy Cantos at Butch Quejada)

Show comments