Nakilala ang biktima na si July Galvez, nasa ikaapat na baitang sa Sta. Ana Elementary School at residente ng nabanggit na barangay.
Sa pahayag ni Erlinda Franco, punong guro ng Sta. Ana Elementary School, matapos palabasin ang biktima bandang alas-11:30 ng umaga noong Biyernes, dumaan ito sa likuran ng nasabing paaralan kasama ang apat pang mag-aaral.
Naglaro pa sa talahiban ang biktima kung saan ay nag-tumbling pa ito hanggang sa matuklaw ng mag-asawang ulupong.
Agad naman ipinagbigay-alam ng mga kaklase ang insidente sa mga magulang at mabilis na isinugod sa ospital.
Nalunasan naman ang tuklaw sa tagiliran ng katawan ng bata at nakauwi na ang biktima, subalit bandang alas-5 ng hapon noong araw ding iyon ay nagsimula itong nangitim kayat isinugod muli sa ospital at huli na ang lahat dahil kumalat na sa katawan ang kamandag dahil hindi napansin ang tuklaw sa braso. (Dino Balabo & Boy Cruz)