^

Probinsiya

Tiyo tinopak, pamangkin kinatay

-
BATAAN — Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 8-anyos na mag-aaral na lalaki makaraang pagtatagain ng sariling tiyuhin sa loob ng kanilang kubo sa Barangay Apollo, Orani, Bataan kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng labingwalong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Prince Vincent Calderon, grade 1 pupil, samantalang nasakote ng mga alagad ng batas mula sa bayan ng Orani at Dinalupihan, ang sus pek na si Ronaldo Calderon, 27, katiwala sa farm na pag-aari ni Atty. Edmund Legaspi ng nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Albert Manabat, lumilitaw na naglalarong mag-isa ang biktima nang tawagin ito ng kanyang tiyuhin at ikinulong sa kubo hanggang sa mapagtripang paslangin. Natagpuan ang duguang katawan ng biktima ng kanyang lola na aksidenteng nagtungo sa kubo.

Ayon kay Police Inspector Antonio Apan, hepe ng Orani PNP, ipasusuri nila ang suspek sa National Center for Mental Health dahil hindi magagawa ng isang matinong tao ang brutal na krimen laban sa bata.

Hindi naman makausap ng mga pulis ang suspek dahil wala sa katinuan na pinaniniwalaang may sapi. (Jonie Capalaran)

ALBERT MANABAT

BARANGAY APOLLO

EDMUND LEGASPI

JONIE CAPALARAN

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

ORANI

POLICE INSPECTOR ANTONIO APAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with