^

Probinsiya

Death toll sa tanker blast: 44 na

-
PAGADIAN CITY – Umabot na sa 44-katao ang namatay habang aabot naman sa 40 ang nasugatan sa sumabog na tanker na may chemical gas makaraang madamay ang ilang sasakyan kabilang na ang pampasaherong bus na nahulog sa malalim na bangin na ikinasawi ng mga biktima sa naganap na trahedya sa Sitio Deorok, Barangay Maagang, Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Base sa ulat ni P/Inspector Usman Julwadi Edding, karamihang biktima ng trahedya ay residente ng mga Barangay Maragang at Lacupayan sa bayan ng Tigbao at iba naman ay sa bayan ng Bayug.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, ang tanker truck (GGC-974) na minamaneho ni Noel Bahinting ng Cagayan de Oro City ay loaded ng likidong cardon dioxide at dadalhin sana sa Coca-Cola Bottling Company sa Zamboanga City mula sa Davao Coca-Cola plant sa Davao City.

Napag-alamang din na nawalan ng preno ang truck kaya sumalpok sa gilid ng highway at ilang minuto pa ang nakalipas ay sumambulat ang tanker.

Ilan sa mga kalalakihan ang nagbabalak sanang tumulong ay nasawi rin at nakalbo ang 100 metro ng kabundukan dahil sa lakas ng pagsabog ng tanker.

Kabilang sa mga sasakyang nadamay sa trahedya ay tatlong motorsiklo, isang 6-wheeler cargo truck, kotseng Innova, isang Isuzu pick-up van at ang pampasaherong bus (JVC 974) na may lulang 50 pasahero na nagkalasug-lasog ang katawan matapos na mahulog sa bangin.

Ang mga biktimang nagkahiwa-hiwalay ang katawan matapos na marekober may 20 metro ang layo sa pinangyarihan ng pagsabog ay nakilalang sina Mamerto Day, 30, at ang asawang si Argie, 21, na bagong kasal noong Enero 31, 2007.

Samantalang si Corporal Aurillo Ansao na nakasama sa nasawi ay magbabakasyon lamang sa kanilang bayan mula sa Misamis. (Angie dela Cruz, Lino Dela Cruz at Roel Pareno)

vuukle comment

BARANGAY MAAGANG

BARANGAY MARAGANG

COCA-COLA BOTTLING COMPANY

CORPORAL AURILLO ANSAO

DAVAO CITY

DAVAO COCA-COLA

INSPECTOR USMAN JULWADI EDDING

LINO DELA CRUZ

MAMERTO DAY

NOEL BAHINTING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with