Ang suspek na hindi na pumasok matapos ang isinagawang imbentaryo ng may-ari noong Lunes (Enero 22) ay nakilalang si Shiela M. Fajardo ng Holiday Homes Subd. na tumatayong branch manager sa loob ng pitong taon.
Ayon sa pulisya, inireklamo ng may-ari ang suspek ng Aspe Mama Pawnshop matapos na hindi sumipot sa trabaho ang suspek na nagresulta para mag-imbentaryo ng mga alahas na sinanla.
Sa salaysay ng may-ari na si Rommel Aspe, kabilang sa nawawalang mga alahas ay 5-gintong bracelet, 9 na kuwintas, 4 na pendan at 5 gintong singsing na umaabot sa P347,410.
Nawawala rin ang mga alahas sa safety vault na may halagang P74,000. (Francis Elevado)