Mass wedding sa Gapo ilulunsad
February 1, 2007 | 12:00am
OLONGAPO CITY Ilulunsad ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Olongapo City sa pangunguna ni Mayor James Bong Gordon, Jr. ang isa na namang mass wedding para sa mga nagsasama nang hindi pa kasal. Itataon ang mass wedding sa Pebrero 14 (Araw ng mga Puso) na gaganapin sa Olongapo City Convention Center bilang pagpapatibay ng pagsasama ng mga nagmamahalan.
Tatayo bilang officiating officer si Mayor Gordon, samantalang magiging ninong at ninang naman ang mga opisyal ng nasabing lungsod at bilang regalo ni Mayor Gordon at First Lady Anne Marie Gordon ay sasagutin ang lahat ng gastusin sa reception.
Upang mapabilang sa mass wedding na libreng kasal, kinakailangang nasa dalawamput-tatlong (23) taong gulang pataas ang mag-asawa at nagsasama na nang limang taon o higit pa.
Maaaring makipag-ugnayan sa City Civil Registry Office sa Olongapo City Hall dala ang certified true copy ng kanilang birth certificate at birth certificate ng kanilang panganay na anak na ang edad ay limang taong gulang pataas.
Para sa mga pares na apat na taon pa lamang ang panganay o dili kayay wala pang anak, maaari silang humingi ng certification sa kapitan ng kanilang barangay bilang katunayan na sila ay nagsasama na ng limang (5) taon o higit pa.
Kalakip ng mga isusumiting dokumento ang 2007 Community Tax Certificate o sedula at ang aplikasyon na manggagaling sa City Civil Registry Office. Sa ika-2 ng Pebrero ang huling araw ng pagsusumiti ng mga naturang dokumento.
Sa magkasunod na tatlong taon, simula 2004, ay umabot na sa daan-daang pares ang nabiyayaan sa mass wedding sa Olongapo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am