Truck vs scooter: 3 senglot patay
January 30, 2007 | 12:00am
SAN JOSE CITY Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang lango sa alak ang iniulat na nasawi makaraang bumangga ang sinasakyan nilang scooter sa kasalubong na 6-wheeler truck sa kahabaan ng San Jose-Rizal Road sa Barangay Porais ng nasabing lungsod, kamakalawa ng hapon.
Sa isinumiteng ulat ng mga imbestigador ng pulisya kay P/Senior Supt. Allen Bantolo, provincial police director, kinilala ang mga biktima na sina Ace Vargas y Licudo, 25, binata, ng Barangay Abar 2nd; Jojo Asuncion y Collado, 30, may-asawa at si Bon Dexter Collado y Tinoy-an, 20, binata, kapwa naninirahan sa Barangay Villa Joson.
Sugatan naman ang drayber ng Isuzu Elf truck (UGX-715) na si Leonardo Bitong y Salvador, 42, ng Barangay Uno, Maria Aurora, Aurora na nasa Heart of Jesus Hospital.
Napag-alamang patungo sa bayan ang tatlong biktimang magkakaangkas sa Honda scooter (01-7231), nang mawalan ng nakontrol ang drayber na si Vargas habang binabagtas ang pakurbadang bahagi ng kalsada.
Dahil dito, sumalpok ang scooter sa kasalubong na truck at pumailalim ito hanggang sa makaladkad ng ilang metro kaya patay agad si Vargas habang ang dalawang angkas na sina Asuncion at Collado ay tumilapon ng ilang metro bago nasawi. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest