^

Probinsiya

3 dedo, 15 na-ospital sa dengue

-
SAN PEDRO, Laguna – Tatlong katao kabilang na ang isang bata ang namatay samantalang 15-katao pa ang nasa ospital matapos na dapuan ng sakit ang isang subdivision sakop ng bayang ito mula pa noong isang linggo, ayon sa health officials kahapon.

Kinumpirma ni Dr. Alfonso Manosca, doktor sa San Pedro Municipal Health Center sa isang telephone interview ang bilang ng namamatay sa Camella Woodhills Subdivision pero hindi pa nito maibigay ang mga pangalan ng biktima.

Ang Camella Woodhills Subdivison ay pag-aaring lupa at pina-develop ni Senate President Manny Villar na matatagpuan sa Barangay San Antonio sa bayang ito.

Sa panayam din ng PSN kay San Pedro mayor Fely Vierneza inamin din nito na tutuo nga ang napabalitang dengue outbreak subalit hindi pa umano ito makapagbibigay ng detalye sa nasabing usapin.

Ayon naman kay Dr. Alsaneo Lagos, Provincial Health Officer ng Laguna, karamihan ng biktima ay itinakbo para lapatan ng lunas sa Ospital ng Muntinlupa matapos na dapuan ng nasabing sakit na karaniwang nakukuha sa kagat ng lamok.

Nakontrol na umano nila ang pagkalat ng dengue sa pamamagitan ng fogging at paglalagay ng larvaecide sa mga kanal at imbakan ng tubig. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ANG CAMELLA WOODHILLS SUBDIVISON

ARNELL OZAETA

BARANGAY SAN ANTONIO

CAMELLA WOODHILLS SUBDIVISION

DR. ALFONSO MANOSCA

DR. ALSANEO LAGOS

FELY VIERNEZA

PROVINCIAL HEALTH OFFICER

SAN PEDRO

SAN PEDRO MUNICIPAL HEALTH CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with