Trader itinumba sa mall
January 27, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME Isang 39-anyos na negosyante ang nasawi habang sugatan naman ang pamangkin nito matapos pagbabarilin ng isang lalaking kaaway umano nito sa negosyo matapos ang mainitang pagtatalo sa Centermall ng Brgy. Talampas sa San Carlos City kamakalawa.
Kinilala ni San Carlos City Police Chief Supt. Ricardo de la Paz ang biktima na si Concepcion Lerio, may-ari ng San Carlos City Drug Testing na nagtamo ng tama ng bala sa ulo habang nilalapatan ng lunas sa San Carlos City Hospital ang pamangkin nito si Jayson Ybañez, 30, isang medical technologist matapos na magtamo ng tama ng bala sa katawan. Pinaghahanap na ang suspek na nakilalang si Theodoro Pardillo, 24.
Ang insidente ay nag-ugat sa matinding alitan ng biktima at ni Pardillo sa negosyo kung saan ang huli ay empleyado sa Espeditus Drug Testing na kakumpetensya naman ng negosyo ng nasawi sa lungsod.
Dala ng suspek ang cal. 38 revolver na ginamit nito sa pamamaslang nang siya ay tumakas. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended