Magpinsang negosyante hinoldap
January 26, 2007 | 12:00am
CAVITE Posibleng nangangalap ng pondo para sa nalalapit na eleksyon ang mga gumagalang holdaper sa Cavite kung saan ang pinakahuling biktima ng holdapan ay ang magpinsang negosyante na sugatan matapos pagbabarilin ng apat na kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Barangay Mambog 4, Bacoor, Cavite kamakalawa. Kasalukuang nasa ospital ang mga biktimang sina Carmelita Villoria, 51; at Roxene Villoria, 46, kapwa may-ari ng Jetti gasoline station sa Barangay Pag-asa, Imus, Cavite at residente ng Bahayang Pag-asa sa Barangay Molino 5 ng bayang nabanggit. Sa imbestigasyon ni PO2 Ernesto Caparas, sakay ng Innova (ZAV-659) ang mga biktima nang masagi ng motorsiklo ng mga suspek ang sasakyan. Sa pag-aakalang aksidente lamang ay huminto ang sasakyan ng mga biktima, subalit agad silang tinutukan ng baril at nagdeklara ng holdap. Pumalag si Roxene kaya binaril ito sa tiyan habang tinamaan naman sa kanang kamay si Carmelita. Tinangay ng mga holdaper ang dalawang celfone, cash at ilang mahalagang dokumento ng magpinsan bago nagsitakas. (Cristina Timbang)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest