Tiyuhin tinodas ng lover na pamangkin
January 26, 2007 | 12:00am
OLONGAPO CITY Nagwakas ang bawal na pag-iibigan ng magtiyuhin makaraang saksakin hanggang sa mapatay ang isang 54-anyos na lalaki ng kanyang pamangking babae na ginawang lover nito sa loob ng nirentahang kuwarto sa hotel kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay West Tapinac, Olongapo City.
Nagtamo ng 47-sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Benwardo "Boyet" Julian, ng # 101 Santol St., Purok 3, New Cabalan, Olongapo City.
Kaagad namang naaresto ng pulisya ang suspek na kalaguyo ng biktima na kinilalang si Angela Joy Lopez, 19, ng # 5 National Highway, New Cabalan sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa pulisya, bago pa maganap ang krimen ay nag check-in ang magkalaguyo sa Ever Hotel dakong alas-7:45 ng gabi noong Martes at narinig ng ilang roomboy ang pagtatalo ng dalawa sa room 102 hanggang sa madiskubre ang bangkay ng biktima noong Miyerkules ng madaling-araw.
Inamin ng suspek ang pagpatay sa kanyang tiyuhin na kalaguyo nito subalit tumangging magbigay ng dahilan.
Napag-alamang 16-anyos pa lamang ang suspek ay naging kalaguyo na ang kanyang tiyuhin may tatlong taon hanggang sa humantong sa malagim na krimen.
Humingi naman ng tulong ang pamilya ng biktima kay Olongapo City Councilor Atty. Noel Atienza para sa mabilisang ikalulutas ng kanilang kaso. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended