^

Probinsiya

Sulyap Balita

-
3 tulak ng marijuana timbog
MALOLOS CITY, Bulacan – Ikinagalak ng mga magulang at guro ang pagkakadakip sa tatlong notoryus na tulak ng pinatuyong dahon ng marijuana kamakalawa sa Barangay Minuyan, Sa Jose del Monte City, Bulacan. Pormal na kinasuhan ng mga tauhan ni P/Supt. Gregorio Lim, hepe ng pulisya ng nabanggit na lungsod, ang mga suspek na sina Efrenita Castillo, 51, ng Norzagaray; Emanuel John Yanga, 23; at Leonora Lonar, 41, kapwa residente ng Sapang Palay, SJDM City. Napag-alamang unang naaresto si Castillo matapos inguso sina Yanga at Lonar kaya madaling nasakote sa pangunguna ni PO2 Eduardo Cabalonga sa isinagawang buy-bust operation. Nakumpiska sa mga suspek ang apat na bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagmula pa sa Mt. Province. (Dino Balabo)
5 dedo sa GenSan blast
CAMP AGUINALDO – Lima-katao ang iniulat na nasawi matapos na pasabugin ang isang lotto outlet malapit sa pamilihang bayang sakop ng General Santos City, South Cotabato kahapon, ayon sa ulat ng pulisya.

Kasalukuyang bineberipika pa ang pagkakakilanlan ng mga nasawi habang marami pang nasugatan na ngayon ay ginagamot sa ospital.

Base sa inisyal na ulat ni P/Supt. Alfredo Toroctocon, bandang alas-6 ng gabi nang sumabog ang isang lotto outlet sa harapan ng Anchor Hotel sa kahabaan ng Santiago Boulevard malapit sa pamilihang bayan ng nabanggit na lungsod. Ayon sa pulisya, itinaon ang pagpapasabog habang dumadagsa ang tao na pinaniniwalaang maraming nasugatan.

Hindi naman nabatid ng pulisya kung anong pampasabog ang ginamit na pinaniniwalaang grupo ng teroristang Jemaah Islamiyah habang patuloy ang imbestigasyon. (Joy Cantos)
2 katao patay sa karahasan
CAVITE – Dalawa-katao ang iniulat na pinaslang sa magkahiwalay na karahasan sa Barangay San Nicolas 3 at Barangay Talaba 6 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Engr. Martin Tatoy, 59, ng Sitio Veteran, Bagong Silang, Quezon City at Sonny Delos Santos, 27. Ayon sa ulat, si Tatoy ay binaril sa ulo ng hindi kilalang lalaki habang nakasakay sa pampasaherong jeepney (DFZ-917) patungo sa bahagi ng Las Piñas City. Samantala, si Delos Santos naman ay sinaksak sa dibdib at leeg ng basag na bote ng alak matapos na magkapikunan habang nakikipag-inuman sa suspek na si Ruel Gumba, 24. (Cristina Timbang)

vuukle comment

ALFREDO TOROCTOCON

ANCHOR HOTEL

AYON

BAGONG SILANG

BARANGAY MINUYAN

BARANGAY SAN NICOLAS

BARANGAY TALABA

BULACAN

CRISTINA TIMBANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with