Pulis tinodas ng TODA prexy
January 9, 2007 | 12:00am
MEYCAUAYAN CITY, Bulacan Binaril at napatay ang isang pulis na tumatayong pangulo ng asosasyon ng traysikel ng isa ring pangulo ng asosasyon dahil lamang sa pag-aagawan sa mga pasahero sa naganap na karahasan sa Meycauayan City, Bulacan kahapon.
Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang biktimang si PO3 Nolasco Cabuso Dabu, na nakadestino sa Police Community Precinct 5 ng Valenzuela City at residente ng Heritage Homes sa Barangay Loma De Gato, Marilao, Bulacan.
Napag-alamang si Dabu ay tumatayong pangulo ng HERME Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Heritage Homes ng nabanggit na barangay.
Ang suspek na nasakote ng pulisya ay nakilalang si Eddie Narciso y Nacionales, 57, ng Barangay Pajo, Meycauayan City at pangulo naman ng Sto. Niño TODA na nakabase sa Barangay Sto. Niño sa nasabing lungsod.
Base sa inisyal na ulat ni P/Supt. Fernando Villanueva, hepe ng pulisya sa nabanggit na lungsod, nagpunta si Dabu sa Barangay Bahay Pare upang makipag-usap sa mga kapwa traysikel drayber.
Sa nasabing barangay din niya nakausap ang suspek na si Narciso hanggang sumiklab ang matinding pagtatalo hinggil sa mga pasahero sa kani-kanilang ruta.
Napag-alamang hindi nagkaintindihan ang dalawa at sa pagkakataong ito ay sinugod ni Narciso, kasama ang limang traysikel drayber ang biktimang si Dabu.
Nagkarambulan hanggang sa agawin ang baril at ipinutok ng suspek sa batok ng biktima.
Agad naman rumesponde ang pulisya at nadakip si Narciso, habang ang iba pang suspek na drayber ay nagpulasan, subalit ayon pa sa ulat ng pulisya, nawawala pa rin ang baril ng biktima. (Dino Balabo at Boy Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest