Sundalo dedo sa ambush, 1 pa grabe
January 8, 2007 | 12:00am
CAMP CRAME Napaslang ang isang sundalo habang malubha namang nasugatan ang isa pa nitong kasamahan makaraang paulanan ng bala ng mga hinihinalang miyembro ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naganap na pananambang sa Brgy. Matampay, Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa.
Dead-on-arrival sa Sanitarium Medical Center SaIligan City ang biktimang si Pfc. Larry Gutierrez, nakatalaga sa Headquarters Support Command (HSC) ng Marine Battalion Landing Team (MBLT) 8 matapos na magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Kasalukuyan namang nilalapatan ng lunas ang kasamahan nitong sundalo na si Pfc. Mar Vincent Lumacad.
Sa report na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-7:30 ng umaga ng maganap ang insidente sa kahabaan ng highway ng Sitio Ernie Bliss sa Brgy. Matampay ng nasabing lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, ang dalawang biktima ay lulan ng motorsiklo galing Camp Ranao sa Marawi City at patungong Iligan City nang pagbabarilin ng mga armadong Muslim rebels.
Ang mga rebelde ay kapwa armado ng cal. 45 pistol na lulan naman ng kulay asul na motorsiklong XRM Honda na walang plaka.
Nabatid na sinundan ng mga salarin ang mga biktima at ng makakuha ng tiyempo ay pinagbabaril ang mga ito bago nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon.
Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang motibo sa pananambang sa nasabing mga sundalo sanhi ng pagkasawi ng isa. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest