^

Probinsiya

Aspiranteng solon grabe sa ambush

- Nina Dino Balabo, Boy Cruz at Joy Cantos -
STA. MARIA, Bulacan – Umiinit na ang pulitika sa Bulacan na inaasahang mas dadanak ang dugo makaraang pagbabarilin at malubhang nasugatan ang aspirante sa pagka-solon na tinangkang paslangin kasama ang kanyang asawa at anak kahapon ng madaling-araw sa Barangay Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Ang biktimang ginagamot ngayon sa St. Luke Hospital sa Quezon City ay nakilalang si Rodolfo "Rudy" de Silva, 52, dating konsehal ng bayang nabanggit.

Sugatan din ang asawang si Beety Jane, 53, na tinamaan ng bala ng baril sa kamay habang ang anak nitong si Bryan, 29, ay pinalo ng baril sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, papauwi na ang pamilya De Silva mula sa pagpupulong sakay sa Toyota Prado na may plakang ZCW-971 kung saan ipinarada ang sasakyan sa harapan ng kanilang bahay.

Napag-alamang lumapit ang mga armadong kalalakihan habang pababa naman ang matandang De Silva bago nakipag-usap ng ilang minuto sa mga lumapit na kalalakihan.

Ilang sandali pa ay pinagbabaril ang matandang De Silva habang ang mag-ina ay hindi naman masyadong nasugatan dahil ang tunay na puntirya ay aspiranteng solon.

May tama ng bala ng baril sa likurang bahagi ng tenga si Rodolfo na naglagos naman sa pisngi habang minor injuries ang mag-ina at mabilis naman isinugod sa Rogaciano Mercado District Hospital bago inilipat sa ospital sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon kay P/Supt. Jesus Gatchalian, ang OIC provincial police director, iniimbestigahan pa ang posibleng motibo sa tangkang pagpatay sa biktima, subalit naniniwala ang mga kaanak nito na pulitika ang dahilan.

BARANGAY PULONG BUHANGIN

BEETY JANE

BULACAN

DE SILVA

JESUS GATCHALIAN

QUEZON CITY

RODOLFO

ROGACIANO MERCADO DISTRICT HOSPITAL

ST. LUKE HOSPITAL

TOYOTA PRADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with