^

Probinsiya

Mga biktima ng paputok

-
Nueva Ecija
Walo-katao ang iniulat ng Nueva Ecija PNP na biktima ng paputok kabilang ang isang babae na tinamaan ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Base sa ulat na isinumite kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, Nueva Ecija police director, nakilala ang biktima ng ligaw na bala na si Clarence Garabiles y Gadiano ng Barangay Pag-asa, Rizal, na ginagamot ngayon sa ospital sa Cabanatuan City.

Kabilang naman sa mga biktima ng paputok ay sina Edward Guntang ng Barangay Villa Marina, San Jose City na naputukan ang tatlong daliri; Kristallin Bautista ng Barangay Kita-Kita na nasugatan ang gitnang kanang kamay; Oliver Yabut ng Barangay Sinipit, Cabiao, na nasabugan ng whistle bomb.

Samantalang sina Elena Sayson ng Barangay Mangino, Gapan City ay naputukan ng pla-pla; habang nasabugan ng pautok si Daniel Calling ng Barangay San Pascual, Talavera, Nueva Ecija at ang magkapatid na Rosendo at Noel Manuntag ng Barangay San Francisco, San Antonio na tinamaan ng lusis.
Bulacan
Aabot naman sa 70-katao ang iniulat na biktima ng paputok, ligaw na bala at ang pvc cannon (boga) sa iba’t ibang bayan sa Bulacan sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa Sapang Palay District Hospital sa San Jose Del Monte City, ay 24 na sibilyan ang iniulat na isinugod, samantalang aabot naman sa 13 ginagamot sa Baliuag District Hospital at sampu naman sa Bulacan Provincial Hospital sa Malolos City.

Sa bayan ng Bulakan, tinatayang aabot sa 12-tinedyer ang naisugod sa Gregorio Del Pilar District Hospital dahil sa tinamong sugat sa "boga".

Dalawampu naman ang isinugod sa Rogaciano Mercado Memorial District Hospital sa Sta. Maria, Bulacan kabilang na ang isang 47-anyos na lalaki na naputulan ng kanang kamay, samantalang isa pang 29-anyos na lalaki mula rin sa Marilao ang tinamaan ng ligaw na bala.

Halos wala namang iniulat na nasugatan sa bayan ng Hagonoy subalit nangangamba ang mga residente na maraming nasugatan dahil sa pagpapaputok ng baril sa Barangay San Sebastian.
Pampanga
Samantala, aabot naman sa labinsiyam na residente mula sa iba’t ibang bayan ang iniulat na nasugatan dahil sa paputok partikular na sa Angeles City.

Kabilang sa mga biktima ng paputok ay nakilalang sina Liz Mercadso, George Cabias, Carmelito Manalac, Sherwin David, Michael Ocampo, Justin Paul Soriano, Anita Monte, Jolina Concepcion, Leonardo Castaneda at Kristine Joy Paras na pawang naninirahan sa Angeles City, Pampanga.

Sugatan din sina Ailyn Galang, Sherlyn Galangh, Avelino Garcia, Ldylyn Roxas, Allan Razon, Lester Roman Ramos, Jose S Alalila, Jenmar Raun at Arnel Soriano. (Christian Ryan Sta. Ana, Dino Balabo, Boy Cruz at Resty Salvador)

AILYN GALANG

ALEX PAUL MONTEAGUDO

ALLAN RAZON

ANGELES CITY

ANITA MONTE

BAGONG TAON

BARANGAY

BULACAN

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with