^

Probinsiya

Bayan Muna coordinator itinumba

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Isa na namang lider ng militanteng grupong Bayan Muna ang iniulat na pinaslang makaraang pagbabarilin ng mga maskaradong kalalakihan sa Barangay San Lorenzo, Ligao City, Albay, may ilang oras bago sumapit ang Bagong Taon noong linggo.

Kinilala ni Karl Ala, spokesman ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang biktimang si Rodolfo Alvarado Jr., 53, Bayan Muna coordinator sa Albay at regional provincial director.

Ang biktima ay pinatay matapos na pasukin at ransakin ng mga armadong salarin ang tahanan nito sa nabanggit na barangay, taliwas naman sa ulat ng police regional office (PRO) 5, na ang biktima ay tinambangan habang nagmamaneho ng Toyota Corolla sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Sta. Cruz ng nasabi ring lungsod.

Narekober sa sasakyan ng biktima, ang 8 piraso ng cartridge ng cal. 45 pistola, isang baril na 9mm, magazine na may siyam na bala at barrel ng baril (9mm).

Sa talaan ng militanteng grupo, si Alvarado ay ikaapat na lider militante na pinaslang sa Kabikulan sa loob lamang ng tatlong linggo.

Napag-alamang pinaslang din noong Disyembre 21 si Francisco Bantog, Bayan Muna provincial auditor sa bayan ng Donsol, Sorsogon matapos pagbabarilin ng mga maskaradong kalalakihang sakay ang motorsiklo.

Noong Disyembre 11 ay pinaslang din ng mga armadong lalaki si Bayan Muna member Cris Frivaldo, nakababatang kapatid ni Irosin, Sorsogon Mayor Max Frivaldo.

Nasundan pa ito ng isa pang pamamaslang kay human rights group lawyer Gil Gojol matapos na dumalo sa paglilitis ng korte sa Sorsogon na ikinasawi rin ng driver nitong si Danilo France.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang naturang krimen. (Ed Casulla at Joy Cantos)

vuukle comment

ALBAY

BAGONG TAON

BARANGAY SAN LORENZO

BARANGAY STA

BAYAN MUNA

CRIS FRIVALDO

DANILO FRANCE

ED CASULLA

FRANCISCO BANTOG

GIL GOJOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with