^

Probinsiya

Mga pagkaing walang kolesterol sa Bagong Taon

-
PULILAN, Bulacan –Upang hindi mangamba sa kolesterol mula sa mga pagkain sa pagsalubong sa Bagong Taon, isang kumpanya sa Bulacan ang nagbebenta ngayon ng mga hotdog at mga fishloaf na halos walang kolesterol.

Ayon kay Rex Malabanan, product manager ng Fisher Farms Inc., isang kumpanyang nakabase sa bayang ito, ang kanilang mga sausages at fishloaf ay gawa sa laman ng bangus kaya’t halos walang kolesterol tulad ng mga gawa sa karne.

"Gusto naming bigyan ng option ang mga mamimili na bumili ng mga pagkain na halos walang kolesterol," dagdag pa ni Malabanan.

Ang Fisher Farm ay itinatag sa bayan ng Pulilan may dalawang taon na ang nakakaraan at ngayon ay nangungunang aquaculture processor food company sa bansa.

Bukod sa fishloaf na gawa sa laman ng bangus na kanilang sinimulang ibenta bago mag-Pasko, nagbebenta na rin ng mga hotdog na yari rin sa laman ng bangus ang Fisher Farms na iba’t iba ang timpla.

Sinabi rin ni Malabanan, na mayaman din sa Omega 3 ang kanilang produkto na nakakatulong sa puso ng tao.

Sa panig naman ni Romy Guevarra, ang business development manager ng Fisher Farms, ang kanilang produkto ay makikita sa mga groceries, supermarket, fastfood chains, restaurants, distributors at mga hotel.

Napag-alamang inaalagaan ang mga bangus sa mga palaisdaan sa bayan ng Hagonoy, Bulacan at mga fish cages sa Dagupan City, Pangasinan,

Bukod sa mga sausages at fishloaf, ang mga produkto ng Fisher Farms ay mga bangus na boneless, marinated, tinapa, bangus belly at sinigang cut.

Samantala, ang bangus belly ay ibinebenta na rin nila sa Amerika at Japan, maging sa Jollibee foodchains sa bansa. (Dino Balabo at Boy S. Cruz)

ANG FISHER FARM

BAGONG TAON

BANGUS

BOY S

BUKOD

BULACAN

DAGUPAN CITY

DINO BALABO

FISHER FARMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with