Kabilang sa naapektuhan ay ang mga bayan ng Bobon, San Roque, Mondragon, Pambujin, Las Navas, Lope de Vega, Catubig at ang capital town ng Catarman.
Sa ulat ng Regional Disaster Coordinating Council na pinamumunuan ni P/Chief Supt. Eliseo de la Paz, na siya ring police regional director, ang tatlong biktimang nasawi ay mula sa Barangay Nenita sa bayan ng Mondragon, habang ang dalawa naman ay nalunod din sa tubig-baha sa mga bayan ng San Roque at Bobon, subalit hindi naman kaagad naberipika ang pagkikilanlan ng mga biktima.
Napag-alamang umabot sa apat hanggang limang talampakang taas ng tubig-baha ang sumakop sa 40 barangay sa Northern Samar, habang aabot naman sa 15 kabahayan ang inanod sa mga bayan ng San Roque at Bobon.
Samantala, aabot sa 4,921 pamilya (26,080-katao) ang nawalan ng tahanan sa 37 barangay dahil sa tubig-baha.
Kasalukuyan nailikas naman ang mga apektadong pamilya sa Catarman Cathedral, ilang eskuwelahan at kampo ng militar.
Nananatili namang sinusuportahan ng mga disaster agencies at lokal na pamahalaan ang mga apektadong barangay sa Northern Samar, partikular na ang mga nasa evacuation center.
Nagbabala naman ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista na pansamantalang iwasan ang kahabaan ng Palapag-Mapanas-Gamay Lapinig dahil sa tubig-baha. (Miriam Desacada)