^

Probinsiya

Saksi sa pamamaril hiling isailalim sa WPP

-
SAN JOSE CITY, Nueva Ecija — Hiniling ngayon ng pamunuan ng Nueva Ecija Press Club Inc. sa Department of Justice (DOJ) na maibaba na ang warrant of arrest laban sa suspek na responsable sa pamamaril sa dzMM radio reporter matapos na kasuhan ng pulisya.

Positibo naman kinilala ng nakasaksing si Rey Bumatay, 42, negosyante ang suspek na bumaril kay Rufino "Butch" Gamboa, ABS-CBN reporter dahil hindi nito naitakip ang bonnet sa mukha.

Hiniling din ng nasabing press club sa DOJ na ilagay si Bumatay sa Witness Protection Program para sa kanyang kaligtasan.

Samantala, naniniwala ang pulisya na ang mga sangkot sa pamamaril ay kasapi ng sindikato ng gun-for-hire sa nabanggit na lungsod at karatig pook.

Kinilala na rin ng pulisya ang mastermind at ilang suspek na bumaril sa biktima.

Naniniwala din ang pulisya na ang naturang grupo ay responsable din sa serye ng nakawan at holdapan na karamihang biktima ay mga negosyante sa kalapit lalawigan.

Magugunita na inambus si Gamboa habang pauwi mula sa pagko- cover sa okasyon na dinaluhan ni Nueva Ecija  Vice Governor Boyet Joson sa Constancio Padilla National High School, San Jose City. (Christian Ryan Sta. Ana)

CHRISTIAN RYAN STA

CONSTANCIO PADILLA NATIONAL HIGH SCHOOL

DEPARTMENT OF JUSTICE

GAMBOA

HINILING

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA PRESS CLUB INC

REY BUMATAY

SAN JOSE CITY

VICE GOVERNOR BOYET

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with