2 kawatan ng kable nasakote
December 29, 2006 | 12:00am
BATANGAS Dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na kawatan ng kable ng kuryente ang nasakote ng mga barangay tanod sa bayan ng San Luis, Batangas kamakalawa ng hapon. Ang mga suspek na nakumpiskahan ng 200 kilo ng kable na pag-aari ng Transco ay nakilalang sina Alex Gomez, 27 at Gerald Abalos, 29, samantalang nakatakas naman ang isa sa dalawang suspek na si Jomel Manzaal, 21. Base sa tagapagsiyasat na si PO2 Joel De Castro, sakay ng traysikel ang mga suspek nang parahin ng mga barangay tanod. Isa sa mga barangay tanod na si Jose Awayan, ang nasugatan matapos na saksakin ni Manzaal, samantala ang dalawa pang suspek ay nasakote. (Arnell Ozaeta)
BATANGAS CITY Nasawi habang ginagamot sa Golden Gate Hospital ang isang 96-anyos na lola matapos masalpok ng motorsiklo sa kahabaan ng kalsadang sakop ng Barangay Libjo Tacad sa Batangas City, Batangas kamakalawa ng umaga. Ang biktimang tumilapon ng may ilang metro bago tumama ang ulo sa sementadong kalye ay nakilalang si Trinidad Casao, habang pormal naman kakasuhan ang drayber ng motorsiklo (WD-4617) na si Pablo Atienza, 56, ng Barangay Pinamukan East ng nabanggit na barangay. Ayon kay P/Senior Supt. Christopher Tambungan, police chief ng Batangas City, ang biktima ay tumatawid nang mahagip ng motorsiklo. (Arnell Ozaeta)
CAMP CRAME Himalang nakaligtas sa kapahamakan ang dalawang piloto matapos na aksidenteng bumagsak ang isang gunship helicopter ng Philippine Air Force (PAF) habang nagsasagawa ng operational flight sa Edwin Andrew Air Base sa Zamboanga City kahapon ng umaga. Ayon kay Major Augusto de la Peña, spokesman ng Philippine Air Force, nagtamo ng galos sa katawan ang pilotong sina Captain Joyselyn Patrimonio at co-pilot na si 1st Lt. Vicentino Quirante. Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon na namiskalkula ni Quirante ang kanilang paglanding sa paliparan kaya bumagsak ito sa gitna ng runway 27. Bunga ng insidente, ipinag-utos na ni PAF Chief Lt. Gen. Jose Reyes na i-grounded ang lahat ng MG 520 attack helicopter habang isinasagawa ang imbestigasyon. Nabatid na may kabuuang 16 MG 520 ang PAF na ginagamit laban sa counter-insurgency operation at pagtugis sa mga bandidong Abu Sayyaf sa Western Mindanao. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 9 hours ago
By Cristina Timbang | 9 hours ago
By Tony Sandoval | 9 hours ago
Recommended