^

Probinsiya

Bahay ng alkalde, ni-raid ng NPA

-
CAMP RAFAEL RODRIGUEZ, Butuan City — Sinalakay at niransak ng mga rebeldeng New People’s Army ang bahay ng alkalde sa panibagong paghahasik ng karahasan ng grupong komunista sa Barangay Poblacion, Malimono, Surigao del Norte kahapon. Bandang alas-6 ng umaga nang salakayin ng mga rebelde ang bahay ni Malimono Mayor Clemente Sandigan Jr. at tinangay ang dalawang M-16 Armalite rifles na lisensyado.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na puwersahang pinasok ng mga rebelde ang bahay ng alkade matapos na tutukan ng baril ang katiwala na si Napoleon Gesta.

Ayon kay P/Chief Supt. Antonio Dator Nañas, regional director, tumakas ang mga rebeldeng pinamumunuan ni Ka Sandy Nataran Magbanua ng Front Committee 16, 6th Platoon Pulang Diwata Command at planong salakayin ang CAFGU detachement at maging ang himpilan ng pulisya sa bayan ng Malimono.

Gayon pa man, habang patungo sa nasabing lugar ang dalawang pangkat ng pulisya na pinamunuan ni P/Chief Insp. Ruben Delos Santos ay inatake naman sila ng mga NPA sniper.

Agad naman nakatawag ang grupo ni Delos Santos sa mga kasamahan hanggang sa tumakas ang mga rebelde matapos na makaamoy na may paparating na karagdagang puwersa mula sa pamahalaan. (Ben Serrano)

ANTONIO DATOR NA

BARANGAY POBLACION

BEN SERRANO

BUTUAN CITY

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

DELOS SANTOS

FRONT COMMITTEE

KA SANDY NATARAN MAGBANUA

MALIMONO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with