69 kilong marijuana nasabat
December 22, 2006 | 12:00am
BENGUET Aabot sa 69 kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng mga elemento ng 77th at 54th Infantry Battalion ng Philippine Army sa mobile checkpoint sa bahagi ng Barangay Tocucan, Bontoc, Mt. Province kamakalawa. Napag-alamang dumaan sa checkpoint ng militar ang pampasaherong jeepney na may plakang AYC-898 na minamaneho ni Manuel Nadnaden nang maharang ang epektos na nagkakahalaga ng P1,725,000. Ayon sa ulat, mabilis naman tumalon ang may-ari ng kontrabando matapos na mamataan ang mga awtoridad sa checkpoint. (Artemio Dumlao)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Doris Franche-Borja | 15 hours ago
By Jorge Hallare | 15 hours ago
Recommended