May 221,500 fully grown marijuana plants; 11,500 marijuana seedlings at 500 gramo ng mga buto ng marijuana na may kabuuang P44,777,500 base sa assessment ng Dangerous Drug Board (DDB) ang nasamsam, ayon kay PDEA-Cordillera chief Supt. Oliver Enmodias.
Ayon kay Enmodias, limang araw na operasyon ang isinagawa ng mga awtoridad simula pa noong Disyembre 14, sa mabundok ng Sitio Guasadan, Kimmayad, Mangaan, Nap-nap, Ligab, Bas-angan na sakop ng Barangay Kayapa, Bakun at sa mga Sitio Sayangan, Lanipaw, Tanap, na pawang sakop ng Barangay Takadang, Kibungan.
Napag-alamang bago salakayin ang mga nabanggit na lugar ay nakatanggap ng impormasyon ang pulisya tungkol sa plantasyon ng marijuana sa dalawang bayan at nakatakdang anihin para ibiyahe sa ibat ibang bayan hanggang sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan.(Artemio Dumlao)