^

Probinsiya

Mt. Bulusan sumabog muli

-
CAMP AGUINALDO — Muli na namang sumabog ang Bulusan Volcano na nakaapekto sa dalawang munisipalidad ng Sorsogon noong Miyerkules ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense (OCD), hindi pa kailangang ilikas ang mga residente ng Irosin at Bulan matapos na bugahan ng abo at putik mula sa Mt. Bulusan.

Gayon pa man, nagrereklamo ang mga residente na naapektuhan ng ashfall at putik ang kanilang inuming tubig at pampaligo.

Sa pahayag ni Orlando Guardacasa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) observatory sa Bulusan, aabot sa 20-minuto ang itinagal ng ash explosion na nagsimula dakong ala-1:09 ng madaling-araw.

Nabigo namang naitala ng Philvocs kung gaano kataas ang ibinugang abo ng nasabing bulkan dahil sa umuulan sa nabanggit na lugar.

Kaugnay nito, inabisuhan na ng OCD, ang regional office na pinamumunuan ni Arnel Capili, na maghanda sa posibleng pang mudflows at mudslides dahil sa patuloy na ulan.

Nabahala naman ang mga residente sa nasabing lugar na posibleng maulit ang trahedya sa Albay dahil sa bulusok ng putik at bato mula sa gilid ng Mt. Mayon noong kasagsagan ng bagyong "Reming".

Sa talaan, ang bayan ng Bulan ay itinuturing na first class munisipalidad sa Sorsogon na may kabuuang populasyong 92,688 katao habang ang Irosin naman ay 3rd class na may kabuuan namang populasyong 45, 507. (Joy Cantos/Angie dela Cruz)

ARNEL CAPILI

BULAN

BULUSAN VOLCANO

IROSIN

JOY CANTOS

MT. BULUSAN

MT. MAYON

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

ORLANDO GUARDACASA

PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with