^

Probinsiya

Agusan ambush: 2 pulis todas

- Ben Serrano -
CAMP RAFAEL RODRIGUEZ, Butuan City — Patuloy sa paghahasik ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army makaraang tambangan at mapatay ang hepe ng pulisya at deputy nito sa Sitio Bayanihan, Barangay Robaco, San Luis, Agusan del Sur kahapon.

Kinumpirma ni P/Chief Supt. Antonio Dator Nanas, Caraga regional director, ang naganap na ambush na ikinasawi nina P/Inspector Enrico Bravo Bamba, 31, police chief ng bayan ng San Luis at si SPO2 Espiridion Palma, acting deputy police chief ng nabanggit na bayan.

Bukod sa dalawang alagad ng pulisya ang napatay ay marami rin ang nasugatan matapos na ratratin at pasabugan ng landmines ang dinaraanan ng mga biktima na pawang military personnel ng 402NDS Infantry Battalion ng Phil. Army.

Sa inisyal na ulat, pabalik na ang mga biktima sakay ng ilang motorsiklo sa San Luis Municipal Hall nang harangin at pagbabarilin ng mga nakaposisyong rebelde.

"They were supervising security measures for the Araw ng Barangay Poblacion San Luis, when they decided to go to the San Luis Muncipal Hall to report something to the local officials there and while on their way, they were ambushed and landmines detonated causing their instant death", pahayag ni Nanas.

Hindi naman nabatid ang pagkikilanlan ng mga biktimang nasugatan matapos na pasabugin ang landmines ng mga rebelde habang tugis naman ng military ang mga NPA na nagsitakas.

Wala pang kumpirmasyon ang tagapagsalita ng NPA sa Caraga Region na si Ka Maria Malaya, asawa ni George Madlos, alyas "Ka Oris na lider ng nasabing grupo na ayon sa pulisya at militar ay labag sa Geneva Convention Protocol.

vuukle comment

ANTONIO DATOR NANAS

BARANGAY POBLACION SAN LUIS

BARANGAY ROBACO

BUTUAN CITY

CARAGA REGION

CHIEF SUPT

ESPIRIDION PALMA

GENEVA CONVENTION PROTOCOL

GEORGE MADLOS

SAN LUIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with