Binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang katawang ng mag-amang sina SPO2 Esmael Bactad, 46; at anak na si Richard, 21. Ayon kay P/Chief Supt. Ismael Rafanan, regional director, nagpapahinga ang mag-ama sa labas ng kanilang tahanan nang may humintong motorsiklo.
Malalakas na putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta ang mag-ama. Si SPO2 Bactad ay aktibong sumusuporta sa internal security operations ng PNP laban sa NPA kaya nakatatanggap ng pagbabanta mula sa mga rebelde. (Ric Sapnu)