Mag-ama nilikida ng NPA rebs
December 19, 2006 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Tinambangan at napatay ang isang retiradong pulis at anak nito ng mga rebeldeng New Peoples Army habang ang mag-ama ay nakaupo sa bakuran ng kanilang bahay sa Barangay Maloma, San Felipe, Zambales noong Linggo ng gabi.
Binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang katawang ng mag-amang sina SPO2 Esmael Bactad, 46; at anak na si Richard, 21. Ayon kay P/Chief Supt. Ismael Rafanan, regional director, nagpapahinga ang mag-ama sa labas ng kanilang tahanan nang may humintong motorsiklo.
Malalakas na putok ng baril ang umalingawngaw at duguang bumulagta ang mag-ama. Si SPO2 Bactad ay aktibong sumusuporta sa internal security operations ng PNP laban sa NPA kaya nakatatanggap ng pagbabanta mula sa mga rebelde. (Ric Sapnu)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended