^

Probinsiya

Dispatcher inutas

-
CAVITE – Patay ang isang dispatcher ng jeep matapos na tarakan ng patalim sa dibdib habang ito ay nakatayo sa terminal kahapon ng madaling-araw sa Brgy. Silangan, Rosario.

Ang biktima ay si Henry Jimenez, 30, binata, ng Brgy. Silangan. Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas tangay ang ginamit na patalim. Sa ulat, dakong alas-2:15 ng madaling-araw habang nakatayo ang biktima sa terminal ng bigla na lamang itong lapitan ng suspek bago walang sabi sabing tinarakan nito ng dalang patalim sa dibdib ang biktima. Duguang bumulagta ang biktima bago mabilis na tumakas ang nasabing suspek.

Sa kasalukuyan ay wala pa ring makitang malinaw na motibo ang pulisya, inaalam pa kung may kinalaman ito sa trabaho ng biktima. (Cristina Timbang)

vuukle comment

ARAW

BIKTIMA

BRGY

CRISTINA TIMBANG

DUGUANG

HENRY JIMENEZ

PATALIM

PATAY

SILANGAN

SUSPEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with