Mag-utol kinatay sa tindahan
December 13, 2006 | 12:00am
NUEVA ECIJA Madilim na Kapaskuhan ang bumalot sa pamilya ng mag-utol na babaeng sinalubong ni kamatayan makaraang pagtatagain ng hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang adik sa droga habang ang mga biktima ay nagbabantay sa kanilang tindahan sa Barangay San Agustin, Guimba, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.
Sa ulat na ipinarating ni P/Chief Insp. Cresencio De Asis, hepe ng Nueva Ecija Police Crime Lab Office (NEPCLO), kay P/Senior Supt. Alex Paul Monteagudo, police provincial director, nakilala ang mag-utol na sina Jessica Macadangdang y Villanueva, 15, 3rd hayskul at si Marilou Macadangdang, 9, grade 3.
Ayon kay Major De Asis, naliligo sa sariling dugo ang bangkay ng magkapatid nang matagpuan ng kanilang mga magulang sa pagitan ng alas-6:30 hanggang alas-7 ng gabi.
Napag-alamang iniwan lang ng kanilang mga magulang ang mag-utol para maningil ng pautang sa Barangay Monique sa bayang nabanggit, subalit trahedya ang sumalubong sa kanila.
Base sa inisyal na pagsusuri ng mga operatiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), si Jessica ay ginilitan ng leeg, pinutol ang kanang hinlalaki, may malalim na sugat sa leeg, hati ang bibig at may sugat ng itak sa pisngi, habang si Marilou naman ay tinaga sa ulo na halos lumabas na ang utak nito.
Malaki ang paniniwala ng mga magulang ng mag-utol na dating tauhan nila na kanyang pinalayas ang posibleng may kinalaman sa krimen, bagay na hindi pa naman pinaniniwalaan ng mga awtoridad dahil mahinang anggulo.
Ayon sa pulisya, nakatodo pa ang volume ng audio component sa bahay ng mga biktima na posibleng sinadyang palakasin upang hindi marinig ang ingay na pinaniniwalaang dalawa hanggang tatlo katao ang responsable sa trahedya. (Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 14 hours ago
By Cristina Timbang | 14 hours ago
By Tony Sandoval | 14 hours ago
Recommended