Parak dinukot sa Batangas
December 12, 2006 | 12:00am
BATANGAS CITY Nanatiling misteryoso ang pagkawala ng isang pulis na naka-assign sa himpilan ng pulisya sa munisipalidad ng Balayan matapos na dukutin ng di-kilalang kalalakihan sa bayan ng Calaca, Batangas noong Huwebes, November 30, 2006.
Kinilala ni P/Senior Superintendent Edmund Zaide, Batangas police director, ang biktimang si SPO3 Cerapio Cortas, 46, ng Kumintang Ibaba sa Batangas City.
Ayon sa ulat, huling namataan si SPO3 Cortas bandang alas-8:30 ng umaga noong Nob. 30 habang binabagtas ang kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Talisay, Calaca, Batangas sakay ng kanyang Yamaha RS motorcycle papauwi.
Batay sa ginawang imbestigasyon ng Calaca PNP, katamtaman ang bilis ng takbo ng sasakyan ni Cortas nang biglang banggain ng kulay puting Toyota Corolla mula sa kanyang likuran na naging sanhi ng kanyang pagbaligtad sa motorsiklo.
Sa halip na hintuan at tulungan, mabilis na tumakas ang driver ng Toyota Corolla at nagmamadaling sumibad patungo sa bayan ng Lemery, Batangas.
Subalit ilang sandali pa, tumigil naman ang isang Toyota Revo sa lugar ng aksidente para tulungan si SPO3 Cortas, kung saan tatlong pasahero nito ang nag-akay sa kanya sa nasabing sasakyan para dalhin sa ospital, ayon na rin sa salaysay ng ilang saksi.
Matapos ang insidente, hindi na nakita pang muli si SPO3 Cortas sa kabila nang paghahanap ng mga awtoridad at mga kaanak nito sa halos lahat ng ospital sa Batangas.
"Posibleng magkasabwat yung mga suspek na sakay ng dalawang sasakyan nang planuhing dukutin si Cortas" dagdag na pahayag ni Zaide sa PSN. Patuloy pa ring mangangalap ng impormasyon ang mga pulis at mga salaysay ng mga testigo para malaman ang tutuong motibo ng insidente. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest