^

Probinsiya

30 kilo marijuana nasamsam

-
CAMP CRAME – Umaabot sa 30 kilong pinatuyong marijuana na nagkakahalaga ng may P.7 milyon ang nasamsam ng magkasanib na puwersa ng pulisya at militar makaraang maharang sa checkpoint ang isang pampasaherong jeepney sa Brgy. Bantay, Tabuk, Kalinga, kamakalawa.

Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni PNP Chief Director General Oscar Calderon, dakong alas-1:45 ng hapon nang masabat ng mga elemento ng Kalinga Police Provincial Office at Philippine Army ang pampasaherong jeepney na may plakang AYA -115 sa nasabing lugar minamaneho ng isang Melchor Chang-Asin na agad isinailalim sa interogasyon.

Sa testimonya ng nasabing driver, sinabi nito na inutusan lamang siya ng mga naghihintay na suspek sa White Carabao Monument sa Bulanao, Tabuk para ikarga sa kanyang pampasaherong jeepney ang naturang mga pinatuyong dahon ng marijuana. Hindi umano niya batid na marijuana ang kanyang karga dahilan hindi siya pamilyar sa naturang bawal na gamot.

Nabatid na ang nasamsam ng mga awtoridad na 30 kilo ng marijuana ay nagkakahalaga ng P750,000.00.

Nang magsagawa ng follow-up operations ang mga awtoridad ay negatibo ang presensya ng naturang mga suspek sa lugar. (Joy Cantos)

BRGY

BULANAO

CHIEF DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

JOY CANTOS

KALINGA

KALINGA POLICE PROVINCIAL OFFICE

MELCHOR CHANG-ASIN

PHILIPPINE ARMY

TABUK

WHITE CARABAO MONUMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with