^

Probinsiya

Nag-amok na lover: Mag-ina dinedo

-
CAMP AGUINALDO — Mga bala ng baril ang sumalubong sa isang 54-anyos na biyuda at anak nitong dalaga na kapwa namatay makaraang ratratin ng lover ng una sa naganap na karahasan sa Barangay Tanglaw, Capitol Site, Puerto Princesa City, Palawan kahapon ng umaga.

Sa phone interview, kinilala ni P/Supt. David Martinez, police chief sa Lungsod ng Puerto Princesa, ang mag-inang sina Editha Walde, 54; at anak nitong si Myla Karla Walde, 22.

Si Editha ay napuruhan sa ulo ng bala ng baril at kaagad na nasawi habang si Karla naman na naghihingalong isinugod sa ospital ay hindi na umabot pa ng buhay dahil sa maraming tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, kaagad naman nasakote ang suspek na si Manuel Blanco na pinaniniwalaang lover ng biyudang si Editha.

Kasalukuyan namang nasa kritikal na kalagayan ang sibilyang tinukoy lamang sa pangalang Cezar na binaril din ng suspek.

Ayon kay Martinez, naganap ang krimen sa tahanan ng mag-ina matapos na dumating si Blanco na nasa impluwensya ng alak kung saan ay agad nitong sinalubong ang papasok na mga biktima saka pinagbabaril.

Matapos pabulagtain ang mag-ina ay mabilis na tumakas si Blanco, subalit nakasalubong naman ang biktimang si Cezar na napagbalingan pagbabarilin hanggang sa duguang bumulagta.

May teorya si Martinez na personal na alitan ang isa sa motibo ng suspek at sinisilip din ang anggulong may matinding selos ang namagitan kaya naganap ang krimen.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa nakakulong na suspek. (Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY TANGLAW

CAPITOL SITE

CEZAR

DAVID MARTINEZ

EDITHA WALDE

JOY CANTOS

MANUEL BLANCO

MYLA KARLA

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with